Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nasa normal ang operasyon ng transmission lines and facilities nito ngayong bisperas ng Barangay at SK elections.
Gaya ng pahayag kahapon, regular na magbibigay ng advisory sa power situation ang NGCP sa buong bansa kada apat na oras simula ngayong araw.
Muling tiniyak ng NGCP na kasalukuyan na silang nakatutok sa power transmission operations at sa facilities nito para sa halalan bukas.
Nauna nang nagsagawa ng vegetation clearing operations ang NGCP sa mga critical transmission lines na layong mabawasan ang grid disturbances na dulot ng obstructions sa power lines.
Sinuspinde na rin nito hanggang Nobyembre 3 ang ibang non-critical maintenance works at construction activities sa substations at sa loob ng 300 meters ng energized power lines. | ulat ni Rey Ferrer