Makakatuwang na ng National Housing Authority (NHA) ang Technical Education and Skills Education Development Authority (TESDA) para sa hangaring maipaabot ang mga programang pangkabuhayan sa mga benepisyaryo ng pabahay ng gobyerno.
Pinangunahan nina NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, at TESDA Deputy Director General for Operations Aniceto D. Bertiz III ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa itataguyod na livelihood program sa NHA beneficiaries.
Sa ilalim ng kasunduan, paiigtingin ang ugnayan ng dalawang ahensya sa pagtukoy at pagkakaloob ng pagsasanay at iba pang programa upang mapalawak ang oportunidad sa trabaho at negosyo ng mga benepisyaryo.
Alinsunod pa rin ito ng direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na mailapit ang serbisyo publiko sa mga benepisyaryo ng pabahay.
Sa ilalim ng R.A. 7279, “Urban Development and Housing Act (UDHA)” of 1992, patuloy ang ahensya sa pagsasagawa ng mga programang pangkabuhayan at kasanayan upang matulungan, mapalago at mapabuti ang kalagayan ng mga pamilyang naninirahan sa mga proyekto ng NHA. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: NHA