Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na makatutulong sa pag-abot ng medium at long-term development goals ng bansa ang nilagdaang Sustainable Development Cooperation Framework 2024-2028 ng United Nations at Pilipinas.
Layon ng naturang framework na tulungan ang bansa na maabot ang pagiging upper middle-income economy, at makamit ang Sustainable Development Goals pagdating ng 2030.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, dahil sa nilagdaang UNSDCF 2024-2028 magkakaroon ng blueprint ang pamahalaan para sa mga programa at proyekto nito na mahalaga para tugunan ang mga issue sa food insecurity, inequality, climate change, digital divide, at lalo na sa poverty.
Nabuo ang UNSDCF 2024-2028 matapos ang masusing konsultasyon sa iba’t ibang sektor, kasama ang mga gabinete ng pamahalaan, civil society organizations, private sector, at UN.
Naglalaman ito ng tatlong strategic priorities kabilang na rito ang human capital development, sustainable economic development, at climate action. | ulat ni Diane Lear