Ipinagbabawal ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang pagligo at pagpalaot sa Tondaligan Beach dahil sa epekto ng bagyong Jenny.
Kaugnay nito, mahigpit ang ginagawang monitoring ng mga kawani ng Tondaligan Park Administration kasabay na rin ng kanilang paalala sa mga taong bumibisita sa beach hinggil sa pinaiiral na kautusan.
Katuwang rin ng tanggapan sa pag-monitor ang PNP Maritime gayundin ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Inalerto na rin ang mga miyembro ng Disaster Response Team sa bawat Barangay sa lungsod upang i-monitor ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan para sa mas mabilis na pagresponde lalo na sa mga Island Barangay at low lying areas sa lungsod.
Sa ngayon ay nakararanas ng mga pag-ulan ang lungsod at iba pang lugar sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyo. | ulat ni Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan