Nominasyon ng bulkang mayon sa Unesco World Heritage, binigyang diin ng Daraga-Camalig Technical Working Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ang unang pagpupulong ng Daraga-Camalig Technical Working Group (DCTWG) para sa isinusulong na nominasyon ng Bulkang Mayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage.

Binigyang diin ng DCTWG ang magiging papel at responsibilidad ng lokal na pamahalaan ng Camalig at Daraga sa pagsusulong ng nominasyon.

Ayon kay Albay Provincial Tourism, Culture and the Arts Office (PTCAO) Chief Dorothy Colle, kinakailangang magsumite ng mga nabanggit na pamahalaan ng mga makasaysayang datos, ordinansa o resolusyon, polisiya at iba pang impormasyon na makakatutulong sa pag-draft ng management plan.

Dagdag niya, dapat na naka-angkla ang impormasyon sa proposal na layuning ma-highlight ang katangian ng Bulkang Mayon. Gayundin ang mga magiging epekto nito sa komunidad upang magbigay suporta sa layuning mapabilang sa UNESCO World Heritage.

Inaasahan na sa ika-15 ng Disyembre ang ibinigay na deadline para sa pagsumite ng mga hinihinging impormasyon at mga dokumento. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Photos: Daraga PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us