NPA leader, sumuko sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong ang pagsuko ng isang New People’s Army (NPA) leader sa Batangas.

Kinilala ang nagbalik-loob na si alyas “Benjie” ang dating vice platoon leader ng Eduardo Dagle Command ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

Umalalay ang mga tropa ng 59th Infantry “Protector” Battalion at Nasugbu PNP sa kanyang pagsuko sa mga awtoridad sa Sitio Panagsagan sa Barangay Bulihan, Batangas nitong Linggo.

Kasabay niyang isinuko ang isang Carbine rifle, 3 magasin at mga bala.

Binati ni MGen. Sison si alyas Benjie sa kanyang magandang desisyon na talikuran ang armadong pakikibaka at tanggapin ang pagkakataon na ibinigay ng pamahalaan para mamuhay ng mapayapa.

Ayon sa Heneral ang sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro ng kilusang komunista ay patunay na sinsero ang pamahalaan sa pagsulong ng kapayapaan sa pagbibigay ng oportunidad sa mga dating rebelde na magbagong buhay. | ulat ni Leo Sarne

📷: 2ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us