Pinaalalahanan ni National Youth Commission (NYC) Chairman Undersecretary Ronald Cardema ang mga botante na maging mapanuri sa mga kandidato na kaalyado ng mga teroristang komunista.
Ang pahayag ay ginawa ni Cardema sa pulong balitaan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Tagged: Reloaded ngayong umaga.
Ayon kay Cardema mahalaga na maipwesto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ang mga kandidato na makakaambag sa nation-building, at hindi yung mga nais na magpabagsak ng gobyerno.
Importante aniya ito dahil nakasalalay ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Panawagan ni Cardema sa mga mamamayan, kung mayroong mga kandidato na nagpapahayag ng pagsuporta sa mga teroristang komunista ay ipagbigay-alam sa NYC upang magawan ng kaukulang aksyon. | ulat ni Leo Sarne