Naglabas ng mga paalala ang Office for Transportation Security (OTS) para sa maayos na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Elections (BSKE) at Undas 2023.
Ito ay alinsunod na rin sa Oplan Biyaheng Ayos: SK, Barangay Elections at Undas 2023 ng Department of Transportation, na layong tulungan ang mga pasahero na magkaroon ng maginhawa at ligtas na biyahe sa darating na holiday.
Ayon sa OTS, ang mga matutulis na bagay ay dapat ilagay sa mga checked-in bagage at dapat nakalagay sa isang lagayan.
Habang ang mga liquid, aerosol, at gels ay dapat naman ilagay sa carry-on baggage at nakalagay sa containers na hindi lalagpas sa 100 mL.
At ang mga mahahalagang bagay gaya ng cellphone, wallet, relo, at mga alahas ay dapat nakalagay sa loob ng bag upang maiwasan na maiwan sa mga security screening checkpoint.
Mahigpit namang paalala ng OTS na ipinagbabawal ang pagdadala ng lighters at iba pang flamable items sa mga paliparan. | ulat ni Diane Lear