Official website ng Kamara, na-hack

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Office of the House Secretary General na na-hack ang official website ng House of Representatives.

Pasado alas-11:00 ng umaga nang ma-hack ang HREP website kung saan may mensaheng nakalagay na “Happy April Fullz, kahit October palang! Fix your website.”

Ayon kay House Sec. Gen. Reginald Velasco, agad inaksyunan ng Kamara ang isyu at nakikipag-ugnayan ngayon sa DICT at iba pang law enforcement agency para ito ay imbestigahan.

Tiniyak din ni Velasco na pinapalakas na nila ngayon ang seguridad ng kanilang digital platforms.

Payo naman ng opisyal sa publiko na mag-ingat sa matatanggap na mensahe o email na nagsasabing mula ito sa House of Representatives. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us