OFW na nasugatan dahil sa pag-atake ng Hamas, binisita ng Embahada ng Pilipinas sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na binista ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang isang Pilipino na nasugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa Tel Aviv Sourasky Medical Center dahil pa rin sa patuloy na kaguluhan doon.

Ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joey Pagsolingan ay nagtamo ng sugat sa kaniyang kaliwang braso at kinailangan sumailalim sa surgery matapos mabaril sa nangyaring pag-atake ng militanteng grupong Hamas.

Binisita rin ni Ambassador Laylo sa naturang ospital ang underground emergency room para sa mga medical airlift at mass casualty incident gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga nakaligtas sa pag-atake ng militanteng Hamas.

Samantala, nagpasalamat naman ang Embahada ng Pilipinas sa Israeli Defense Forces sa pagligtas at pag-aalaga sa mga Pilipino na kasalukuyang nasa ospital pati na rin sa Filipino community na tumutulong sa iba pang nasugatan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us