OFW Party-list solon, ikinalungkot ang pagkamatay ng 2 Pilipino dahil sa gulo sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikiramay si OFW Partylist Representative Marissa Magsino sa naiwang pamilya ng dalawang Pilipino na nasawi dahil sa gulo sa Israel at Gaza Strip.

Ayon kay Magsino, nakakalungkot ang pangyayari at kaisa sila sa pagdadalamhati ng Filipino Community sa Israel.

Batid aniya ng pamahalaan ang napakahirap na sitwasyon ngayon ng mga Overseas Filipinos at OFWs na naiipit sa tensyon sa Israel at Gaza na nais lamang magtrabaho ngunit nadamay sa geopolitical tension sa rehiyon.

Kasabay nito ay muling nagpaalala si Magsino sa mga Pilipino sa Israel na sundin ang guidelines mula sa Home Front Command, manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay, maging handa sa paglikas, at laging makipag-ugnayan sa ating Embahada o mga FilCom leaders. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us