Oil Spill sa Puerto Princesa City Port, agad nirespondehan ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agarang umaksyon ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigang palibot ng Puerto Princesa City Port sa Palawan matapos ang namataang oil spill sa lugar.

Dito idineploy ng PCG response team ang apat na segments ng oil spill boom at anim na bail ng sorbent pads upang mapigilan ang pagkalat ng langis.

Ayon sa ulat ng PCG, bandang 1:30 ng hapon kahapon ay kontrolado na ang nasabing oil spill incident kung saan sa kabuuan nakakolekta ang mga ito ng halos dalawang drum ng langis mula sa 500-square-meter na apektadong lugar.

Kumuha rin ng samples ng langis ang mga technician mula sa marine science ng Coast Guard galing sa dalawang sasakyang nakadaong sa Puerto Princesa City Port para sa fingerprinting analysis upang matukoy ang pinagmulan ng nasabing langis.

Nag-coordinate din ang mga ito sa isa pang RoRo/Passenger vessel na umalis sa port bago mangyari ang insidente para sa parehas na pagkuha ng samples ng langis para rin masuri.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us