Nababahala ang isang party-list solon sa ulat na ang anti-virus software ng PhilHealth ay naka-one month subscription lang.
Ayon kay ANAKALUSUGAN party-list Rep. Ray Reyes hindi katanggap-tanggap na parang trial version lang ng anti-virus software ang solusyon ng PhilHealth matapos ang data breach sa kanilang sistema.
Aniya imbes na salary increase ng mga empleyado ay dapat mas inuna nila ang pagpapalakas ng proteksyon ng kanilang sistema upang hindi umabot sa hacking.
Muli rin nitong binigyang diin na hindi dapat ginawang dahilan ang procurement process para hindi makabili ng bagong anti-virus software.
Bago pa man ang expiration ng naturang software ay matagal na sila dapat kumilos para masigurong magtutuloy-tuloy ang kanilang cybersecurity measures.
“The expiry of the antivirus software is on you. Way before it expired, you could have done what was needed to ensure data protection,” aniya.
Sa 2022 COA report lumabas na nagtriple ng sahod ang ilan sa PhilHealth executives noong 2022 kung saan ang iba ay sumahod ng hanggang P500,000 kada buwan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes