Operasyon kontra illegal fishing ikinasa sa Laguna de Bay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa katubigan at lawa ng Laguna de Bay, isang operasyon laban sa illegal fishing ang ikinasa ng Lake Management Office at PNP-Maritime Group.

Sa nasabing operasyon, sinikap hulihin ng mga awtoridad ang mga mangingisdang nagsasagawa ng illegal at unauthorized fishing sa bahagi ng Laguna de Bay na nasa teritoryo ng Muntinlupa alinsunod sa City Ordinance 17-050 at RA 10854 Sec. 88 (A).

Dito nagkaroon ng isang oras na pagtugis mga illegal fishermen pero nakatakas ang mga ito at iniwan ang kanilang mga kagamitan, kabilang ang bangka at mga nahuling isda na tinatayang nasa 300 kilo.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang pag-iikot at panghuhuli sa mga ilegal na pangingisda sa lawa, sang-ayon na rin sa 7K Agenda ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon kung saan kasama ang pagsulong sa pangangalaga ng kalikasan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us