Nakatakda nang i-deactivate ng National Grid Corporation of the Philippine ang Overall Command Center (OCMC) at lahat ng regional command center ngayong araw, 31 Oktubre 2023.
Kasunod ito ng pag-deactivate ng power situation monitoring ng Department of Energy (DOE) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) habang malapit nang matapos ang closing activities ng COMELEC.
Batay sa ulat ng NGCP,hindi nakaranas ng major system disturbance ang mga transmission lines at facilities nito sa panahon ng halalan kahapon.
Pagtiyak pa ng NGCP sa publiko na handa itong i-activate ang OCMC nito para sa mga katulad na critical events sa hinaharap.| ulat ni Rey Ferrer