OTS, pinagana na ang 24/7 Transportation Security Monitoring para sa BSKE at Undas 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagana na ng Office for Transportation Security (OTS) 24/7 ang Transportation Security Monitoring para sa Barangay at SK Election at Undas 2023.

Bahagi ito ng ‘Oplan Biyaheng Ayos 2023’ ng Department of Transportation na layong tiyakin ang maayos at ligtas na paggunita ng eleksyon at Undas.

Bumuo ng task group ang OTS sa pangunguna ni Transport Security Risk Management Service Director Eugenio Paguirigan upang pangunahan ang Transportation Operations Center 24/7 para sa maayos na koordinasyon sa mga stakeholder at security agency.

Bukod dito ay nag-deploy din ang OTS ng mga auditor at inspektor sa mga airport, seaport, bus terminal, at rail stations upang masiguro na naipatutupad ng mga transport operator ang maayos at ligtas na biyahe para sa mga pasahero.

Tiniyak din ng OTS na may sapat itong mga tauhan sa security screening checkpoints sa mga paliparan sa bansa para sa mabilis at epektibong pag-iinspeksyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us