Overseas Job Fair, ikinasa sa Malabon City ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang Overseas Job Fair ng Malabon City para sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ito ay sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) at Public Employment Service Office (PESO) at sa tulong ng mga katuwang nitong pribadong kumpanya.

Isinasagawa ang overseas job fair sa Malabon Ampitheater mula alas-8 ng umaga hanggang mamayang alas-3 ng hapon.

Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng orihinal at authentic na mga dokumento kabilang ang updated resume, passport at iba pang credentials upang makasali sa alok na trabaho sa mga bansang Australia, Scotland, United Kingdom, U.S.A., Canada, at Qatar.

Kabilang sa mga trabahong maaaring aplayan ay Registered Nurses, Speedboat Mechanics – Inboard & Outboard Engines, Truck Drivers (Articulated), at Chef. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us