Nagkaloob ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) ng tig-₱50,000 na tulong-pinansyal sa unang batch na na-repatriate mula sa Israel kahapon.
Nasa 16 na OFWs na unang na-repatriate ang makatatanggap ng nabanggit na halaga mula sa OWWA at DMW.
Bukod sa naturang tulong-pinansyal ay may makukuha pa sila ng tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabilang din ang psycho-social counseling, stress debriefing, medical referral, at temporary accommodation habang hinihintay nilang makauwi sa kani-kanilang probinsya.
Samantala, inaantabayanan pa ang schedule ng ikalawang batch ng mga OFW na uuwi sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio