OWWA, muling tiniyak na mabibigyan ng financial assistance ang mga Pilipino na mare-repatriate mula Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na makakatangap ng financial assistance ang mga OFW na mare-repatriate mula sa Israel.

Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, makakatangap ang mga ito ng tig-₱10,000 pagdating nila sa bansa.

Kaugnay nito, makakatangap naman ng ₱200,000 na financial assistance mula sa OWWA ang pamilya ng tatlong Pilipinong nasawi sa kaguluhan sa Israel at karagdagang ₱50,000 mula naman sa DMW.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang hakbang ng national government para sa repatriation process ng ating mga kababayan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us