P1 provisional fare increase para sa PUJ at modern jeepney, pinayagan na ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional fare increase, na hirit para sa traditional public utility jeepneys (PUJs) at modern jeepneys sa buong bansa.

Sa katatapos na pagdinig, sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz, magiging epektibo ang dagdag na P1 taas-pasahe simula sa Linggo Oktubre 8.

Kaugnay nito, hindi pa nakapagdesisyon ang LTFRB sa isa pa nilang kahilingan na P5 fare increase.

Sinabi ni Guadiz, na magkakaroon pa uli ng pagdinig sa Nobyembre 7, 2023.

Giit niyang malabo pang pagbigyan ang kanilang kahilingan tungkol dito, dahil marami pang dapat isaalang-alang ang LTFRB.

Kailangan pa ang masusing pag-aaral at madinig ang iba’t ibang sektor bago  magdesisyon.

Nakapaloob sa petisyon ng PASANG MASDA, ACTO at ALTODAP, na humirit sila ng P5 fare increase sa unang apat na kilometro at P1 sa bawat susunod na kilometro. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us