P100k reward alok para sa missing Beauty Queen; PCG, tumutulong na rin sa paghahanap

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinahayag ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang alok na reward money nito na P100,000 para sa impormasyon na makatutulong sa paghahanap kay Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon.

Paunang naiulat na nawawala si Camilon, noong Oktubre 12. Huli siyang nakitang bumibiyahe sa isang metallic gray na Nissan Juke SUV na may plakang NEI 2290, at may kasunduang makipagkita sa isang tao sa Bauan, Batangas.

Para sa mabilis na pagtunton sa nawawalang Beauty Queen, nakibahagi na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap. Iniimbestigahan na rin ang mga manifest ng mga pasahero ng mga barko at kasabay na binabantayan ang Port of Batangas.

Hinihimok naman ni Batangas police chief Col. Samson Belmonte ang sinuman na may impormasyon na makipag-ugnayan sa Tuy municipal police station sa numero bilang 0998-598-5711.

Pinaiigting pa ng mga awtoridad ang kanilang pagsisikap upang mahanap ang 26-anyos na residente ng Tuy. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us