Pag-ikot ng ‘Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ sa iba pang mga probinsya, makatutulong sa ekonomiya ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

May ambag rin sa ekonomiya ng bansa ang pag-ikot ng ‘Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’.

Sa interview ng local media kay Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, sinabi nito na noong nakaraang quarter, isa sa lumabas na hamon sa economic growth ng bansa ay ang ‘underspending’ o mababang paggastos ng pamahalaan.

Kaya naman kung madadala ang ‘Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ sa iba pang mga probinsya ay isa itong ‘avenue’ para maglabas ng pera ang gobyerno at gumastos.

Sa paraang ito, umaasa ang House Senior Deputy Majority leader na mas gaganda ang numero ng ating ekonomiya sa susunod na quarter.

“And actually, maganda din ‘yun kasi if you will look at the one of the ‘problematic’ indicators sa economic growth for the last quarter is hindi daw gumagastos yung gobyerno, underspending. So if you look at the Bagong Pilipinas Fair, it’s actually another avenue para gumastos and gobyerno. So it means ginagamit na nila yung pondo which is a good sign and hopefully it will lead to more healthy economic growth numbers in the coming quarter.” paliwanag Marcos.

Muli nitong iginiit ang hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na madala sa iba pang panig ng bansa ang BPSF matapos ang matagumpay nitong paglulunsad nitong Setyembre.

Katunayan, sa mga susunod na weekend aniya ay iikot ito sa kada dalawang probinsya.

“As the President said, natutuwa siya na nangyari sa mga iba’t ibang probinsya. Ang gusto niya dapat sa buong Pilipinas mangyayari. So if you look every weekend this month, I think may dalawang probinsya na pupuntahan yung fair. So we’re gonna do that until lahat ng probinsya mapupuntahan nila.” saad ng kongresista. | ulat ni Kathleen Jan Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us