Pag-uwi ng “urn” mula sa City Columbarium tuwing Undas, simula na bukas, ayon sa Mandaluyong LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapayagan na ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang pagkuha o pag-uwi ng ‘urn” ng abo ng mahal sa buhay na nakalagak sa City Columbarium sa Garden of Life Park Cemetery simula bukas.

Gaya ng nakaugalian tuwing panahon ng Undas, iniuuwi ang mga “urn” upang higit na maging personal ang pag-alala sa mga mahal na yumao.

Sa pamamagitan din nito, mabawasan ang dagsa mg mga tao sa semeteryo.

Sa abiso ng Mandaluyong LGU, maaaring kuhanin ang urn mula sa Columbarium mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon bukas, Oktubre 23 hanggang Oktubre 30.

Kinakailangang maibalik din ito simula Nobyembre 3 at hindi lalampas ng isang linggo matapos ang Undas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us