Inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi gaano maapektuhan ang Pilipinas sa pagbagal na ekonomiya ng China.
Ginawa ni Diokno ang pahayag sa harap ng ASEAN Roundtable Discussion na inorganisa ng International Monetary Fund (IMF) na bahagi ng 2023 WB-IMF Annual Meeting sa Marrakech, Morocco.
Sa Roundtable Discussion, sinabi ng IMF na maaring magdulot ng banta sa ASEAN economy ang economic slowdown ng China kaya kailangan na palakasin ng rehiyon upang tugunan ang epekto ng “geoeconomics fragmentation.”
Sa intervention ni Diokno, sinabi nito na ang posibleng paghina ng export ng bansa ay maaaring ma-mitigate mula sa malaking domestic demand market.
Dagdag pa ng kalihim na ang financial system ng ASEAN +3 Region, maliban sa Hongkong ay may kaunting exposure mula sa downturn ng China’s property sector. | ulat ni Melany Valdoz Reyes