Pagbangga ng China Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea, di katanggap-tanggap — mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariin ring kinondena ng ilang pang mga senador ang pagbangga ng China Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Pilipinas na nasa isang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada, ang ganitong aksyon ay hindi lang paglabag sa maritime norms at international law kundi nagdudulot rin ng banta sa kaligtasan at seguridad sa rehiyon.

Iginiit ni Estrada na, aksidente man o hindi, hindi na katanggap-tanggap ang pangyayaring ito dahil patunay ito ng kawalan nila ng respeto sa Pilipinas at sa buhay ng mga Pilipino.

Kailangan aniyang pag-aralan ng mga kinauukulan ang susunod na hakbang kaugnay ng insidenteng ito at kung sasapat pa ba ang diplomatic protest lang.

Sinabi naman ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairperson Senador Francis Tolentino na ang insidente ay nagpapatunay lang ng patuloy na pagbabalewala ng China sa mga panuntunan ng international law at basic maritime safety.

Kaya naman dapat aniyang maimbestigahan ang insidente sa ilalim International Convention for the Safety of Life at Sea (SOLAS) at ng Code for Investigation ng Marine Casualties and Incidents ng International Maritime Organization. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us