Pagbibigay ng umano’y security escort ng mga pulis sa mga Chinese POGO operator, handang paimbestigahan ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na paimbestigahan ang umano’y pagbibigay ng security escort ng mga pulis sa Chinese POGO operators.

Ito ang inihayag ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.

Ayon kay Abalos, sakali man na may mga pulis na nagbibigay ng security escort sa Chinese POGO operators ay hindi ito awtorisado.

Maaari aniya itong silipin ng National Police Commission (NAPOLCOM) at PNP Internal Affairs Service (IAS) upang masampahan ng reklamo ang mga pulis.

Nanindigan si Abalos na hindi kailangan ng Chinese POGO operators ang security escort lalo’t wala namang banta sa kanila.

Mas marami aniyang mahahalagang bagay ang nangangailangan ng seguridad tulad ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us