Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagbubukas ng AFP-PNP-PCG-BFP-BJMP (AFP-Philippine National Police-Philippine Coast Guard-Bureau of Fire Protection-Bureau of Jail Management and Penology) Olympics 2023 sa Lapu-Lapu Grandstand, Camp Aguinaldo kahapon.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Gen. Brawner ang kahalagahan ng “camaraderie” sa pagitan ng iba’t ibang miyembro ng unipormadong serbisyo, na mapapatatag sa pamamagitan ng palaro.
Sinabi ng AFP Chief, na bagamat sineseryoso ng hanay ng unipormadong serbisyo ang kanilang trabahong pangalagaan ang kalayaan at kapayapaan ng bansa, kailangan din nila ng panahon para mag-ehersisyo at maki-laro sa palakasan.
Dagdag ni Brawner, ang aktibidad ay pagkakataon din para mahasa ang “Athletic skills” ng kanilang mga tauhan na magpapaligsahan sa 23 laro sa pagkakataong ito. | ulat ni Leo Sarne