Pagbubukas ng Egypt-Gaza border, pinuri ng Kabayan party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang pagbubukas ng Egypt-Gaza border.

Aniya, malaking bagay ang hakbang na ito ng international organization at mga lider para bigyang pag-asa ang mga indibidwal na kasalukuyang naiipit ngayon sa gulo sa Gaza.

“We commend international organizations and great powers for the opening of the Egypt-Gaza border, a beacon of hope for the people trapped inside Gaza. This move offers a glimmer of relief, alleviating their suffering during these dire times.” ani Salo.

Kasabay nito ay pinatitiyak ni Salo sa Department of Foreign Affairs na makipag-ugnayan sa Egyptian officials at international organizations para masiguro na ligtas na makalikas ang mga kababayan nating Pilipino doon oras na payagan na ang pagdaan.

Mahalaga aniya ang palagiang komunikasyon sa mga Pilipino doon upang matiyak na walang maiiwan sa kanila at agad na makakauwi pabalik ng bansa.

Importante rin aniya na magbigay ng update sa kanila bilang pagsiguro na patuloy na nagtatrabaho ang gobyerno para sa kanilang kaligtasan.

“It is crucial to seize this opportunity for the safe exit of Filipinos. We urge the Department of Foreign Affairs to coordinate closely with Egyptian officials and international organizations. It is imperative that we ensure Filipinos won’t be left behind when other nationalities are allowed to exit. Every effort must be made to bring our countrymen home swiftly and securely.” dagdag ng kinatawan.

Sa may 130 na mga Pilipino na nasa Gaza strip, 78 ang desididong umuwi ng Pilipinas batay sa ulat ng DFA. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us