Pagbubukas ng Kasanggayahan Festival sa Sorsogon, pinasinayahan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang binuksan ang selebrasyon ng Kasanggayahan Festival sa lalawigan ng Sorsogon. Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang mahabang Unity at Civic Parade na dinaluhan ng mga kawani ng pamahalaan, organisasyon, ilang ahensya at marami pang-iba.

Naging panauhing pandangal is Senator Francis Tolentino at Department of Tourism Secretary Christina Frasco. Gayundin, kasama ang mga regional directors ng bansa at ilang mga alkalde mula Cebu.

Sa mensahe ni Senator Francis Tolentino, binigyang diin niya ang importansya ng pagtangkilik at pagpapanatili ng mga ganitong okasyon. Lalong lalo na ang mga kultura at tradisyonal na mayroon ang Sorsogon.

Pinasaya naman ng celebrity personality and comedian na si Vice Ganda ang mga taga-Sorsogon kinagabihan.

Magtatagal ng sampung araw ang Kasanggayahan Festival na pupunuin ng mga magagarbong aktibidad. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

📸 Sorsogon PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us