Hinikayat ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, gayundin ang mga academic institution na tumutuklas ng mga teknolohiya sa sektor ng agrikultura.
Ito’y para mapagsama-sama ang mga ginagawang hakbang para makabuo ng mga polisiya para sa pagpapatatag ng presyo ng pagkain sa hinaharap.
Ayon sa NEDA, bilang tagapamuno ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook, tinitingnan na nila ang paggamit ng satellite based na mga teknolohiya para sa mabilis na pagtukoy ng mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.
Una nang intasan ang naturang Inter-Agency Committee para bumalangkas at magrekomenda ng mga polisiya na makapagbabalik sa dating sigla ng inflation at mapangasiwaan ito ng maayos.
Anumang rekomendasyong mabubuo ng Inter-Agency Committee ay i-aakyat naman sa Economic Development Group para sa ibayong pagtalakay bago ito i-endorso sa Pangulo. | ulat ni Jaymark Dagala