Paggamit ng Artificial Intelligence sa edukasyon, dapat gamitin sa kabutihan — VP Sara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mga guro at mag-aaral na dapat maging responsable sa paggamit ng Artificial Intelligence o AI sa edukasyon

Ayon sa Pangalawang Pangulo, bagaman batid niya ang tulong na naibibigay ng AI sa pag-aaral ng mga kabataan dapat din aniyang tingnan ang mga disadvantage nito.

Giit ni VP Sara, dapat maunawaan ng lahat na ang paggamit ng AI ay kailangang makatulong sa mga mag-aaral na umayon sa makabagong panahon pero hindi dapat ito ginagamit para palitan ang mga nakasanayan sa pagkatuto.

Binigyang diin pa nito, hindi dapat sa AI kumukuha ng mga kaalaman ang mga estudyante bagkus ay dapat itong gamitin sa pagpapalago ng kaalaman nang may pagmamahal.

Ginawa ni VP Sara ang pahayag nang dumalo ito sa pagtatapos ng mga mag-aaral mula sa University of Perpetual Help System DALTA sa PICC. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us