Welcome para kay House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan ang hakbang ng Bureau of Immigration (BI) na gumamit ng body camera, bilang bahagi ng kanilang security inspection.
Ayon kay Libanan, magsisilbing proteksyon ito sa kapwa immigration security personnel at pasahero.
“The donning of body cameras will provide an accurate recording of events whenever an international traveler comes into contact with an immigration inspector. It will protect both the passenger and the officer,” ani Libanan.
Dagdag nito, marapat lang na samantalahin ng mga ahensya ng gobyerno ang teknolohiya bilang bahagi ng transparency at accountability sa paggampan nila sa kanilang trabaho.
“It is a highly responsive move to take advantage of reform technology and foster absolute officer transparency and accountability in the performance of duties. In fact, it will also lessen the liability of inspectors,” dagdag ng mambabatas.
Inaasahan na sa katapusan ng taon ay ipapatupad na ang pagsusuot ng body camera ng mga secondary inspection officers sa paliparan.
Ito ang bahagi kung saan magsasagawa ng dagdag na pagsisiyasat o pagsusuri ang IO sa international travel, upang i-verify ang kanilang impormasyon.
Kabuuang P16 million ang inilaang pondo ng BI para sa pagbili ng body camera para sa knilang secondary inspectors.
Bilang dating Immigration Commissioner, isa sa itinulak na technological reform ni Libanan ay ang paglalagay ng CCTV camera sa lahat ng immigration area at counter sa mga paliparan. | ulat ni Kathleen Forbes