Tinalakay sa harap ng mga empleyado at opisyal ng Kamara ang kahalagahan ng fundraising upang magbigay-daan sa paglago at pagbabago ng buhay sa mga benepisyaryo nito.
isang seminar na may temang “Harnessing Generosity for Development: An Afternoon Huddle on Fundraising and Social Media Strategies,” ang inorganisa ng Association of Congressional Chiefs of Staff.
Ayon kay kay Ms. Patch Pangilinan, Co-Founder and Business Development Director of Sunday Studio, maaaring i-tap ang napakalaking potensyal ng social media sa fundraising kung saan maaring makibahagi ang tinatayang 93.8 million monthly social media users. Ibig sabihin aniya, nasa 82.4 percent ng populasyon ng PIlipinas ang aktibo sa digital world.
Dagdag pa nito, na dahil bawat isang Pilipino ay gumugugol ng mahigit apat na oras sa social media number 7 ang Pilipinas sa global ranking sa internet accessibility, kaya madaling makamit ang fundraising goals gamit ang mga social media site.
Tinukoy din ng resource speaker, na mahalaga na gawing “friendraising” ang fundraising upang maging matagumpay ang adhikain ng mga ito, at mapagtibay ang social media campaign for fundraising. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes