Paggamit ng tumbler sa halip na plastic bottles, inirekomenda ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na kayang maiwasan ang pagbara ng mga daluyan ng tubig gaya ng mga kanal, estero at iba pa kung lilimitahan na ang paggamit ng plastik.

Kaya naman payo ng MMDA sa publiko, sa halip na bumili ng tubig na nakalagay sa plastik na bote, mas mainam na lamang na gumamit ng tumbler.

Ayon sa MMDA, bagaman maliit na bagay pero malaki ang maiaambag nito upang mapangalagaan ang kalikasan at makatitipid pa dahil mababawasan nito ang potensyal na basura.

Kasunod nito, sinabi ng MMDA na mayroon rin silang proyektong ‘Recyclable Mo, Palit Grocery Ko’ kung saan maaaring palitan ng mga grocery items ang mga nakolektang recyclables sa Mobile Materials Recovery Facility.

Muli naman silang nanawagan sa responsableng pagtatapon ng basura matapos ang nangyaring declogging operations nitong weekend kung saan nahirapan ang mga tauhan ng MMDA na maglinis ng daluyan ng tubig dahil sa mga nakabarang basura. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us