Pagkamatay ng isang criminology student dahil sa hazing, kinondena ng Philippine College of Criminology

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng kalungkutan ang Philippine College of Criminology (PCCr) sa pagkamatay ng kanilang 4th year college student dahil sa hazing ng Tau Gamma Phi. 

Sa isang statement, sinabi ng PCCr na walang puwang sa kanila ang ganitong uri ng gawain at kailanman ay hindi ito pinapayagan sa paaralan. 

Ginawa ng PCCr ang pahayag nito, matapos mamatay sa hazing si Ahldryn Leary Chua Brevante na nangyari sa Quezon City noong weekend. 

Nagsasagawa na rin daw sila ng mga hakbang para maiwasan ang ganitong mga gawain sa loob ng eskwelahan. 

Sa ngayon, nakatutok sila sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang maihatid ang hustisya sa pamilya Brevante.

Nagpaabot na rin ng kanilang pakikiramay ang paaralan sa pamilya, kasabay ng paniniguro na ipino-promote nila ang healthy education environment para mabigyan ng maayos na edukasyon ang mga mag-aaral. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us