Pagkasawi ng Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib, di bunga ng pananampal ng guro nito — Antipolo Police

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Antipolo City Police Office na nailahad na ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group mula sa Kampo Crame ang resulta ng isinagawang autopsy report nito sa labi ni Francis Jay Gumikib.

Ayon kay Antipolo City Chief of Police, Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, walang kaugnayan sa pananampal kay Francis Jay ng kaniyang guro sa Peñafrancia Elementary School sa nabanggit na lungsod.

Bagaman mangangahulugan ito na lusot na ang guro sa kasong homicide sinabi ni Manongdo na hindi pa rin ito ligtas sa iba pang mga kaso sa ilalim ng Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law partikular na ang ginawa nitong pananakit sa estudyante.

Sa ngayon, hindi masabi ni Manongdo kung tinanggap ng pamilya ni Francis Jay ang naging resulta ng autopsy na inilahad sa kanila ng PNP Forensic Group subalit pinayuhan niya ang mga magulang ng nasawing binatilyo na kumuha ng second opinion kung hindi sila kumbinsido rito.

Ang tanging hangad lang muna ng pamilya ni Francis Jay ayon kay Manongdo ay mabigyan ng isang maayos at payapang libing ang binatilyo at matapos nito ay saka nila isusulong ang pagsasampa ng reklamo laban sa guro.

Kahapon, iniulat ni Poloce Lt. Col. Maria Anna Lissa Dela Cruz, ang Chief Medico Legal Officer, Rizal Provincial Field Unit ng PNP Forensic Group na nagkaroon si Francis Jay ng Intracerebral hemorrhage Edema na ikinasawi nito.

Nakitaan din siya ng isang rare condition dulot ng kaniyang underlying disease.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us