Paglilipat ng Development Academy of the Philippines sa NEDA, welcome sa ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang paglilipat ng Development Academy of the Philippines (DAP) sa ilalim ng ahensya.

Ito ang pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, matapos na ilabas ang Executive Order No. 45 ng Malacañang.

Ayon kay Balisacan, bahagi ng development plan ng pamahalaan para sa socioeconomic transformation ang ayusin ang productivity framework sa iba’t ibang sektor ng gobyerno.

Ani Balisacan, ang mga productivity capability development programs ng DAP ay malaking tulong sa naturang istratehiya.

Nakapaloob din sa Chapter 14 ng Philippine Development Plan 2023-2028 ang layunin ng pamahalaan, na palakasin ang sistema at mekanismo ng gobyerno sa pamamagitan ng rightsizing sa gobyerno at pagpapabuti ng productivity performance ng mga ahensya ng pamahalaan.

Ang DAP ay dating sangay na ahensya ng Office of the President, na layong isulong at suportahan ang development efforts ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga human resource program.

Sa ngayon, ang NEDA ay mayroon ng walong sangay na ahensya kabilang ang DAP. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us