Pagpapailaw sa 96 na sitio at purok sa Agusan del Sur, pinondohan na ng higit P226-million -NEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na ng National Electrification Administration (NEA) ang request ng Agusan del Sur Electric Cooperative, Inc. (ASELCO) para sa electrification ng 96 na sitio at purok sa lalawigan ng Agusan del Sur sa ilalim ng Sitio Electrification Program (SEP).

Ang proyekto ay pinondohan ng gobyerno ng higit sa P226-million sa pamamagitan ng 2023 Sitio Electrification Program – General Appropriations Act Subsidy.

Sa 96 na sitio at purok na nasa listahan, ipamamahagi ito sa buong lalawigan ng Agusan del Sur, 7 sa Bunawan, 3 sa Sta. Josefa, 4 sa Trento, 3 sa Veruela, 10 sa La Paz, 3 sa Loreto, 11 sa San Luis, 8 sa Talacogon, 12 sa Bayugan City, 2 sa Esperanza, 4 sa Sibagat, 16 sa Prosperidad, 12 sa San Francisco, at 1 sa Rosario.

Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng distribution line extensions kung saan ikokonekta ang 96 sitios at puroks sa power grid.

Karagdagan pa rito ang pag-install ng kwh meters at house wiring materials sa 2,530 beneficiaries. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us