Malaki ang maitutulong sa pag-angat ng ekonomiya ang pagpapalakas ng paliparan at railway sytem sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista matapos ilatag ang mga programa at proyekto upang mapalakas ang airport at railway system ng bansa.
Aniya, isa sa tinututukan ng transportation department ay ang pagpapalakas ng dalawang sektor ng transportasyon dahil malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya maging sa pagdami ng mga turistang tumutungo sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Bautista, minamadali na nila ang privatization ng NAIA at tinatayang maisasakatuparan na sa susunod na taon.
Saad pa ni Bautista, nakalinya na rin ang mga proyekto sa railway sector tulad ng Metro Manila Subway, South Long-Haul Railway, Mindanao Railway, at North-South Commuter Railway na tiyak na magbibigay ng dagdag na oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio