Pagpapalakas ng trade at security cooperation sa pagitan ng Spain at Pilipinas, tinalakay ng mga senador kasama ang hari ng Spain 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong ang mga senador kay King Felipe VI ng Spain sa Palacio de la Zarzuela sa Madrid, nitong lunes. 

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri  na nagkaroon ang ating mga senador ng pribadong pagpupulong kasama ang Hari ng Espanya. 

Dito aniya ay tinalakay nila kung paanong mapapatatag ang pagkakaibigan at partnership ng Pilipinas at Spain. 

Partikular na aniya sa trade and industry, security and defense at people-to-people exchanges. 

Sinabi ni Zubiri, na ang meeting na ito ay nagmamarka ng isa pang mahalagang milestone sa malalim at matatag na pagkakaibigan ng ating mga bansa. 

Binigyang diin naman ni King Felipe, na nakikita niya ang oportunidad para sa people-to-people exchanges sa pagitan ng Pilipinas at Spain, lalo na’t mahalaga ang migrant Filipino workers sa kanilang bansa.

Kabilang sa mga senador na kasama ni Zubiri sa Espanya sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senador Sonny Angara, Sen. Grace Poe, Sen. Pia Cayetano, Sen. Nancy Binay, Senador JV Ejercito, at Senador Mark Villar.  | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us