Pagpapalawig ng Full Alert status ng hanggang Pasko, ipauubaya na sa PNP Regional Directors

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaubaya na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga Regional Director kung palalawigin nila ang Full Alert status sa kanilang nasasakupan hanggang sa Pasko.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, depende ito sa pagtaya ng Regional Directors ng political at crime environment status sa kani-kanilang rehiyon. 

Una nang sinabi ni Fajardo na dere-deretso na ang Full Alert status ng PNP na ipatutupad ilang araw bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30, hanggang sa pagtatapos ng Undas.

Siniguro naman ni Col. Fajardo na hindi nagpapahinga ang mga pulis sa gitna ng mahabang holiday season ng bansa.

Hindi aniya magpakakampante ang PNP, upang mapigilan ang anumang pagtatangka ng mga masamang loob na samantalahin ang okasyon.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us