Pagpapasabog ng IED sa convoy ng gobernador ng Misamis Occidental, kinondena ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) ang pagpapasabog ng Improvised Explosive Device (IED) na tumarget sa convoy ni Governor Henry Oaminal sa Barangay Lapasan, Clarin, Misamis Occidental nitong Linggo ng gabi.

Tinamaan ng pagsabog ang pangalawang sasakyan sa 4 na sasakyang convoy ng gobernador, kung saan siya nakasakay, pero nasa ligtas na kalagayan ang opisyal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Wesmincom Spokesperson Major Andrew Linao na nakikipagtulungan ang militar sa mga lokal na awtoridad sa imbestigasyon ng insidente upang matukoy ang mga responsable.

Nanawagan naman si Wesmincom Commander Maj. Gen. Steve Crespillo sa publiko na manatiling mahinahon, kasabay ng pagtiyak na hindi lulubayan ng militar ang kanilang combat at non-combat operations para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us