Lalo pang dapat palakasin ang pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ating katubigan kasunod ng insidente ng pagbangga ng isang foreign vessel sa bangkang pangisda sa Bajo de Masinloc na ikinasawi ng tatlong Pilipinong mangingisda.
Ayon kay Deputy Minority Leader France Castro, ipinapakita lamang nito na mas dapat mabuhusan ng pondo ang ating Coast Guard upang maiwasang maulit ang mga ganitong insidente.
Naniniwala ang mambabatas na kung mayroon lamang Coast Guard na nagpapatrolya sa lugar ay naiwasan ang insidente, lalo at pinahihintulutan naman talaga ang paglalayag ng commercial vessel sa bahagi ng ating katubigan.
“Given that commercial vessels have the right of innocent passage, the incident could have been prevented if there were more PCG patrols in Bajo de Masinloc, aside from preventing such accidents they can also be more effective in protecting our waters and our fisherfolk. We extend our heartfelt condolences to the families of the victims of this act and we are calling on Congress to probe this incident. We also hope that the funds for the Philippine Coast Guard would be increased,” sabi ni Castro.
Punto ni Castro na kailangan din ng pinaigting na presensya ng PCG sa ating mga katubigan upang magbantay lalo at patuloy ang panggigipit ng China sa ating mga mangingisda.
Ipinaalala nito ang kahalintulad na insidente kung saan binangga ng barko ng China ang bangkang pangisda na Gem Ver 1. | ulat ni Kathleen Jean Forbes