Pagpapatupad ng price ceiling sa bigas, posibleng alisin na — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posible nang alisin anumang araw mula ngayon ang ipinatutupad na Executive Order no. 39 o ang price cap sa bigas.

Ito ang ipinahiwatig ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Ani Balisacan, ilang indikasyon para alisin aniya ang EO-39 ay ang gumagandang presyuhan ng bigas ngayong panahon ng anihan.

Bagaman malinaw din ayon sa kalihim na hindi dapat magtagal ang pagpapatupad ng EO-39 dahil sa ilang hindi magagandang epekto nito sa ekonomiya.

Kasalukuyang nasa isang buwan nang ipinatutupad ang price ceiling sa bigas na layong pababain ang presyo nito at maiwasan ang pananamantala ng mga nagsusuplay ng bigas sa mga pamilihan.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us