Pagpapauwi sa mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Israel, ikinakasa na ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na tumatanggap ng mga request ang Department of Migrant Workers o DMW mula sa mga Pilipino sa Israel na nagnanais nang umuwi sa bansa.

Ito ang inihayag ni DMW Officer-In-Charge, Usec. Hans Leo Cacdac sa ipinatawag na pulong balitaan ngayong hapon.

Aniya, nakatuon ang kanilang repatriation efforts sa Israel kung saan naroon ang humigit kumulang 30,000 Overseas Filipino Workers o OFW.

Gayunman, nilinaw ni Cacdac na ang Department of Foreign Affairs o DFA ang siyang may poder sa repatriation ng mga Pilipino sa Gaza Strip dahil karamihan ng mga naroon ay hindi OFW.

Kasunod nito, kanilang iuulat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pinakahuling sitwasyon hinggil sa kalagayan ng mga OFW lalo na sa nasugatan at patuloy pa ring pinaghahanap.

Una nang nakausap ni Pangulong Marcos Jr. ang pamilya ng dalawang Pilipinong kumpirmadong nasawi dahil sa nagpapatuloy na sigalot sa Israel gayundin sa Gaza Strip. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us