Tuloy-tuloy na ang mga inisyatibo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para maisapormal ang small-scale mining operations sa bansa.
Bahagi pa rin ito ng hangarin ng ahensya na maiangat ang industriya at mapaigting ang proteksyon sa small-scale miners.
Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David, kasama sa step-by-step approach ang pagpaparehistro sa lahat ng
small-scale miners at pagbuo ng isang organisasyon kung saan maaaring mapabilang ang mga ito.
“The small-scale miners are there. We have to bring them into the fold of the mining sector. The core of DENR’s strategy lies in individually registering these small-scale miners, serving as the basis for a more organized structure,” aniya.
Punto nito, mahalagang maitulak ang isang regulated small-scale mining industry na makakabenepisyo sa komunidad at sa bansa.
Sa pamamagitan rin aniya nito, matutugunan ang mga kadalasang paglabag sa environmental laws at mining regulations, at matitiyak rin ang kaligtasan ng mga nagmimina.
Kasama rin sa ikinukonsidera ng DENR ang dagdag na social assistance, at labor protection sa small-scale miners alinsunod na rin sa Republic Act 7076, o ang People’s Small-Scale Mining Act of 1991. | ulat ni Merry Ann Bastasa