Pagtaas-baba ng presyo ng bigas sa merkado, magdedepende pa rin sa presyo mula sa mga malalaking rice retailer
Nanatiling mataas pa rin ang presyo ng bawat kilo ng bigas sa ilang maliliit na tindahan sa Matina Aplaya, lungsod ng Davao ito ay matapos binawi na ang ipinatupad na rice price ceiling ng pamahalaan.
Ayon kay Roman Baquido, nasa P2 lang ang kanilang tubo sa bawat kilo ng kanilang ibinibentang bigas.
Bagaman may nabibili pa silang mura ngunit kadalasan sa mga ito ay nasa P50 pataas na ang bawat kilo.
Ngunit siniguro naman ni Roman na sakaling bababa na ang presyo ng kanilang suppliers ay magbababa rin sila ng presyo ng kanilang ibibenta sa merkado. | via Sheila Lisondra | RP1 Davao