Pagtitiyak na mabibigyan ng trabaho ang mga uuwing OFW mula Israel, isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo na nakikipag-ugnayan na siya at ang kanyang opisina sa pamahalaan para masigurong mabibigyan ng trabaho sa Pilipinas ang mga OFW na apektado ng kaguluhan sa Israel.

Pinatitiyak na rin ni Tulfo na mabibigyan ng tulong ang mga apektadong Filipino Communities sa Israel kabilang na ang repatriation ng mga nagpahayag na ng intensyong makauwi sa bansa.

Kasabay nito ay nagpaabot rin ng pakikiramay ang mambabatas sa naulilang pamilya ng dalawang OFW na nakumpirmang nasawi sa giyera sa Israel.

Bilang chairperson aniya ng Senate Committee on Migrant Workers ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanyang opisina sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) para masiguro ang pagbibigay ng tulong at assistance na kakailanganin ng pamilya ng mga nasawing OFW.

Nakakalungkot aniya ang sinapit ng ating mga kababayang nasawi at ang daan-daan pang collateral damage ng marahas na pangyayaring ito sa Israel.

Umaasa si Tulfo na matitigil na ang kaguluhan sa naturang bansa para wala nang buhay pang masayang at wala nang inosenteng sibilyan ang madamay. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us