Umaasa si Senador Jinggoy Estrada na magsasagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) at ang Maritime Industry Authority (MARINA) ng komprehensibong inspeksyon sa ‘seaworthiness’ ng lahat ng mga sasakyang pandagat.
Ito ay sa gitna ng inaasahang exodus ng mga biyahero para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at paggunita ng Undas.
Ayon kay Estrada, kabilang sa mga dapat tiyakin ay ang pagkakaroon ng mga life-saving equipment, pagsunod sa passenger capacity limits at pagsunod sa mga safety standard.
Kaugnay naman ng isasagawang BSKE, hinikayat ni Estrada ang lahat ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na sumunod sa rule of law at sa mga regulasyon ng eleksyon.
Hindi aniya dapat mamayani ang anumang uri ng intimidasyon o karahasan sa pagsasagawa ng halalan.
Binigyang diin ng senador na ang BSKE at Undas ay mahalagang pangyayari sa ating national calendar kaya naman dapat tiyakin na magiging maayos, ligtas at payapa ang mga araw na ito. | ulat ni Nimfa Asuncion