Isasara sa mga motorista ang Palar Tunnel sa lungsod ng Taguig ng halos tatlong oras araw-araw tuwing rush hour na nagsimula na kahapon ng Lunes, October 2.
Sa inilabas na abiso ng Taguig local government unit, isasara ang tunnel sa lahat ng uri ng sasakyan na mangagaling ng C5 southbound lane tuwing alas-7:30 hanggang alas-10 ng umaga.
Payo ng LGU sa mga maapektuhang motorista na patungo ng Cayetano Boulevard o Diego Silang na gamitin ang C5 U-turn slot malapit sa Tagiug Eco Park. | ulat ni AJ Ignacio